Response to Ano Ang Bayani Sa Panahon Ngayon
Essay by people • November 20, 2011 • Essay • 613 Words (3 Pages) • 2,546 Views
Isa ring iskolar ng bayan si Gianina Martha Anit at graduate ng Univesity of the Philippines, Los Baños. Sa unang pagkabasa ng kanyang sanaysay, napaisip ko kung ganito nga ba talaga mag-isip lahat ng taga-UP. Pero bigla ko ring naisip na ang pag-iisip na ito ay hindi dahil sa UP siya nag-aaral kundi dahil isa siyang mamamayan na may naoobserbahan at may pakialam.
Totoo ang sinabi niya sa simula ng kanyang sanaysay na ang mga bayani ay isang mahalagang konsepto para sa isang bansa. Dahil hindi nga naman talaga madali sabihin ang depinisyon ng isang bayani. Ang salitang ito, madali kung titignan mo sa panahon noong may sumasakop pa sa ating bansa. Pero paano na sa mga panahon ngayon? Sino na nga ba talaga ang mga bayani? Binigay din sa akda ang mga iba't-ibang naging ibig sabihin ng salitang ito sa mga iba't-ibang panahon na dumaan sa bansa. At kung mapapansin natin, nagbabago-bago ito. Totoo ngang ang mga bayani ay naituturing depende sa panahon na kung saan sila ay nabuhay. Kung papansinin natin, madali lang magtawag ng mga bayani sa mga panahon ng pananakop sa ating bansa dahil sabi nga sa sanaysay, sa mga panahong iyon, ang mga bayani ay ang mga taong nagtatanggol at nagpapanatili sa kaayusan ng bansa. Ibig sabihin, kasama na riyan sila Diego Silang, Andres Bonifacio, mga guerilla at iba pang mga bayani. Paano naman sa kasalukuyang panahon kung saan wala ng banta ng mga pananakop? Ganun pa rin ba ang depinisyon ng mga bayani na nagbibigay ng pag-asa sa mga tao, nakikipaglaban sa mga dayuhan at nagpapanatili ng kaayusan? Kung ganun, edi bayaning maituturing sila Manny Pacquiao, CNN Hero of the year Efren Peñaflorida at ang Azkals. Dahil ba nagkakaroon ng zero crime rate sa tuwing may laban si Pacquiao ay isa na siyang bayani? Dahil ba nagtulak ng kariton na may mga libro si Efren ay bayani na siya? Dahil ba lumalaban sa ibang bansa ang Azkals sila ay bayani na? Kapag ginawa ko ba ang mga iyon, bayani na rin ang turing sa akin?
Madaming magagandang paksa at kritikal na pag-iisip ang sinabi sa sanaysay. Nabanggit ni Gianina na ang pagkakahulugan ng isang bayani ay naiiba ayon sa tawag ng panahon. At gaya nga rin ng nabanggit, sa panahong wala ng mananakop, mga simpleng tao na nga ba ang mga bayani? Mga OFW? Mga magulang? Mga kamag-anak? Mga guro? Si Darna? Nasasabi nga rin ng iba na lahat tayo ay may kakayahan na ituring na isang bayani. Marahil oo, dahil kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa natin sa iba at sa bansa natin ay matatawag na tayong mga bayani. Isa sa mga nagustuhan kong sinabi ng may akda sa kanyang sanaysay ay
"Naipagwawalang bahala na nga ba ng mga Pilipino ang tunguhing mapagkaisa ang bansa sapagkat wala naming banta ng pananakop? Nagkakanya kanya ng nga ba tayo at tumutupad na lamang sa ating mga pansariling layunin? "
Nakakalungkot isipin na marahil totoo nga ito. Hindi ba't kaya nagkaroon ng mga bayani ay upang paglayunin ang bansa?
...
...